Pag-imprenta ng mga balotang gagamitin sa eleksyon nasa 47.48 percent na

Pag-imprenta ng mga balotang gagamitin sa eleksyon nasa 47.48 percent na

Umabot na sa mahigit 34,000 na balotang gagamitin sa 2025 National and Local Elections ang natapos nang ma-imprenta.

Ayon sa datos na ibinahagi ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia, ito ay katumbas ng 47.48 percent ng kabuuang bilang ng gagamiting balota para sa eleksyon.

Ang datos ay hanggang araw ng Martes, Feb. 18.

Ayon kay Garcia, mayroon pang mahigit 37,800 na kailangang iimprenta.

Una na ring sinabi ni Garcia na kaya nang maabot ang 50 percent na balotang mai-imprenta sa susunod na mga araw.

Inaasahan ding matatapos ang ballot printing sa March 9 o March 10, 2025. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *