Makukuhang shellfish sa mga baybaying dagat ng Leyte at Samar hindi ligtas kainin – BFAR
Naglabas ng Shellfish Bulletin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga baybaying dagat ng Samar, Leyte, Biliran at Tacloban City.
Ayon sa BFAR, ang mga shellfish sample na kinuha sa mga apektadong lugar ay positibo sa paralytic shellfish poison at lagpas sa regulatory limit.
Dahil dito, pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwag kumain ng mga shellfish na makukuha sa sumusunod na mga lugar:
1. Coastal Waters of Zumarraga, Samar
2. Coastal Waters of Calubian, Leyte
3. Coastal Waters of Leyte, Leyte
4. Cancabato Bay (Tacloban City)
5. Coastal Waters of Biliran Islands
6. Coastal Waters of Guiuan, Eastern Samar
7. Coastal Waters of Daram (Daram, Samar)
8. Cambatutay Bay (Tarangnan, Samar)
9. Matarinao Bay (General MacArthur, Hernani, Quinapondan, and Salcedo in Eastern Samar)
10. Carigara Bay (Babatngon, San Miguel, Barugo, Carigara and Capoocan in Leyte)
Sinabi ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish kasama na ang “Alamang” mula sa nasabing mga baybaying dagat ay hindi ligtas para sa human consumption.
Ligtas namang kainin ang mga isda, squid, crab at shrimp basta’t malilinis itong mabuti bago iluto at kainin. (D. Cargullo)