LPA sa loob ng bansa maliit ang tsansang maging ganap na bagyo

LPA sa loob ng bansa maliit ang tsansang maging ganap na bagyo

Maliit ang tsansang maging bagyo sa susunod na 24 na oras ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ngn PAGASA sa loob ng bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 170 kilometers Southeast ng General Santos City.

Sa susunod na mga oras, ang pinagsamang epekto ng LPA at ng Tail-End of a Frontal System (Shear Line) ay magdudulot ng katakmtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas, at Caraga Region.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Bicol Region at sa nalalabi pang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Nagbabala ng pagbaha at landslides ang PAGASA dulot ng mararanasang pag-ulan.

May ilang mga lugar din ang ilang araw nang nakararanas ng pag-ulan. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *