DMW pinag-aaralan ang polisiya sa deployment ng OFWs sa Kuwait

DMW pinag-aaralan ang polisiya sa deployment ng OFWs sa Kuwait

Pinag-aaralan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang guidelines kaugnay sa pagde-deploy ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, nirerebisa na ng DMW ang deployment policies para matukoy kung kailangang mas higpitan pa ang mga polisiya upang masiguro ang kapakanan ng mga OFW lalo na ang mga domestic workers.

Kasunod ito ng pinakabagong insidente ng pagkasawi ng ilang OFWs sa Kuwait kabilang si Jenny Alvarado na pumanaw dahil sa suffocation at Dafnie Nacalaban na natagpuang walang buhay matapos dalawang buwan matapos iulat na nawawala.

Kasama sa ikokonsidera ayon kay Cacdac ang kapakanan ng mga matatagal ng OFWs na nasa Kuwait.

Sa ngayon ay bawal ang pagpapadala ng first-time OFWs sa nasabing bansa.

Nagpapatupad din ng whitelisting at blacklisting sa mga Kuwaiti recruiters, nagsasagawa ng pre-departure briefings, at electronic on-site monitoring.

Una nang inirekomenda ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senator Raffy Tulfo ang pagpapatupad ng total deployment ban ng Filipino domestic workers sa Kuwait. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *