DMW nagbabala laban sa “third country” recruitment sa social media

DMW nagbabala laban sa “third country” recruitment sa social media

Binalaan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko laban sa “third country recruitment” na laganap ngayon sa iba’t ibang social media platforms.

Nakatanggap ng report ng DMW mula sa Philippine Embassy sa Abuja, Nigeria hinggil sa posibleng insidente ng human trafficking kung saan ilegal na dinadala ang mga Pinoy patungo sa Nigeria at iba pang mga bansa sa West Africa.

Base sa report, isang grupo ng mga Pinoy ang naaresto na sa Abuja at sa Lagos dahil sa alegasyong sangkot sila sa cybercrime, economic sabotage at paglabag sa Nigerian immigration laws.

Ang nasabing mga nadakip na Pinoy ay hinikayat na bumiyahe patungong Nigeria galing sa Dubai, United Arab Emirates, gamit ang tourist visas.

Hindi pinapayagan ng Nigerian government ang conversion ng tourist visas para magamit sa pagtatrabaho doon.

Para makapagtrabago sa Nigeria, ang isang Pinoy at dapat makakuha ng Subject to Regularization (STR) visa mula sa Nigerian Embassy dito sa Pilipinas.

Ayon sa DMW, ang third country recruitment ay maituturing na illegal recruitment lalo na kung ang recruiter o ang employer ay walang proper authorization mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Lagi din dapat kumukuha ang mga Pinoy ng overseas employment documents mula sa mga DMW accredited recruitment agencies para masigurong sila ay makakakuha ng mga benepisyo, proteksyon mula sa posibilidad ng labor malpractice, at tulong sakaling mayroong emergency.

Paalala ng DMW sa mga nag aapply na OFW maging maingat at mapanuri sa mga alok na trabaho sa social media platforms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *