Publiko pinag-iingat sa pekeng impormasyon hinggil sa ibinebentang abandonadong mga bagahe sa NAIA

Publiko pinag-iingat sa pekeng impormasyon hinggil sa ibinebentang abandonadong mga bagahe sa NAIA

Pinag-iingat ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang publiko kaugnay sa mga impormasyon na ipinakakalat sa social media hinggil sa pagbebenta umano ng mga abandonadong bahage sa NAIA.

Batay sa ipinakakalat na posts, ang mga abandonadong bagahe ay maaaring mabili sa halagang P125 lamang.

Ayon sa pamunuan ng NAIA, walang “luggage auctions” sa paliparan.

Ang mga posts online ay peke at layong mang-scam lamang.

Sinabi ng NAIA na hindi ito nagsasagawa ng pagsubasta o nagbebenta ng mga inabandonang bagahe.

Paalala ng pamunuan ng NAIA, iwasan ang makipag-ugnayan sa ganitong mga posts at lalong huwag ibibigay ang mga personal na detalye. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *