DOH nakapagtala na ng 43 kaso ng Fireworks Related Injuries
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 43 na nasugatan dahil sa paputok.
Ang datos ay mula noong umaga ng Dec. 22 hanggang umaga ng Dec. 25.
Ayon sa DOH, mula Dec. 24 hanggang umaga ng Dec. 25 ay 18 bagong kaso ang nadagdag sa datos ng Fireworks-Related Injuries.
34 sa 43 biktima ng paputok ay edad 19 na taon pababa.
Ayon sa DOH, 36 o 86 percent ng kaso ay dulot ng paggamit ng iligal na paputok partikular ng boga.
Dahil dito ay nanawagan ang DOH sa publiko na ireport sa mga otoridad kung may makikitang gumagamit at nagbebenta ng mga iligal na paputok tulad ng boga, 5-star, at piccolo. (DDC)