P3.6M na halaga ng smuggled na sigarilyo, nakumpiskka sa checkpoint sa Davao City

P3.6M na halaga ng smuggled na sigarilyo, nakumpiskka sa checkpoint sa Davao City

Naharang ng mga otoridad ang mahigit 3.6 million pesos na halaga smuggled na sigarilyo sa isang checkpoint sa Brgy. Sirawan, Toril, Davao City.

Sa imbestigasyon ng Task Force Davao Sirawan, lulan ng kulay puting ISUZU pickup truck ang mga sigarilyo.

Nang maharang sa checkpoint ay unang nakita ng mga pulis ang limang rim ng sigarilyo.

Nang buksan ang likuran ng truck. doon na tumambad ang mas marami pang kaha ng sigarilyo na kinabibilangan ng 2,737 reams ng GREEN HILLS Brand at 1,918 reams ng BROS RED.

Bigo ang driver ng sasakyan na magpakita ng dokumento para sa mga karga nitong sigarilyo.

Hawak na ngayon ng Toril Police Station (PS8) ang driver ng truck.

Dinala naman sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang kontrabando. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *