BGen Abrugena hinirang bilang bagong hepe ng SPD

BGen Abrugena hinirang bilang bagong hepe ng SPD

May bagong hepe ang Southern Police District (SPD) sa katauhan ni Brigadier General Manuel J. Abrugena.

Sa ginanap na turn over ceremony na pinangasiwaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director, P)BGen Anthony A. Aberin, sa SPD Headquarters, Lawton Avenue sa Taguig City, pormal na isinalin ni outgoing District Director BGen Bernard R. Yang ang pamamahala sa SPD kay BGen Abrugena na nagtatampok sa triple A framework na Able Active and Allied kung saan pangunahing tungkulin ng mga pulis na pigilin at solusyunan ang krimen.

Dumalo rin sa seremonya ang SPD Command Group, mga kinatawan mula sa Special Actin Force (SAF), Chiefs of Police ng SPD MaTaPatPaMuLaPa, District Director ng Manila Police District, at nga tauhan ng SPD na sumasalamin sa pinagsama-samang hakbang upang mapahusay ang serbisyo ng pulisya.

Nagpasalamat si BGen Yang sa suportang kanyang batanggap sa panahon ng kanyang liderato, at ngayon sa pagkakatalaga niya sa bagong puwesto bilang Officer in Charge ng PNP Anti Cybercrime Group.

Habang ipagpapatuloy naman ni BGen Abrugena ang nasimulang mga hakbang ni BGen Yang para sa kinabukasan ng SPD na nakatuon sa pagpapalakas sa ugnayabg pangkomunidad at epektibong mga istratihiya sa pagsawata ng krimen na naayon sa triple A framework ng NCRPO Chief.

Ang seremonya ay sumisimbolo sa mahalagang transition sa liderato at tutuparin ng napakamahusay, progreso at dedikadong serbisyo sa bayan.

Sa bagong pag-upo sa puwesto ni DD BGen Abrunega , muling naninindigan ang SPD sa pangako nitong bantayan ang kaligtasan ng komunidad sa Metro Manila. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *