P974K na halaga ng ilegal na droga at vape products na may ‘marijuana’ nakumpiska sa HVIs sa Makati City
Napasakamay ng mga tauhan ng Makati City Police Special Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pakikipagtulungan ng Sub-Station 3 (San Isidro) ang dalawang high-value individuals (HVI) at nakumpiska ang ₱974,000 na halaga ng umano’y shabu at marijuana, at vape products sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Pio Del Pilar sa lungsod.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Raprap, 22-anyos, at alyas Abo, 27-anyos.
Sa gitna ng operasyon narekober ang tinatayang 85 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱578,000.00 at 165 gramo ng marijuana (Kush) na may halagang ₱247,000.
Bukod dito, nakumpiska rin ng otoridad ang ilang disposable vape pens na naglalaman ng umano’y marijuana /cannabis oil na aabot sa halagang ₱148,500, cellphone, buy-bust money,plastic parcel, siyam na putting tabletsa na umano’y ilegal na droga at isang Toyota Innova.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang at inihahanda na ng otoridad aang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito. (Bhelle Gamboa)