Siyam na warehouse sa Bulacan natuklasang nagtatago ng daan-daang libong sako ng smuggled na bigas

Siyam na warehouse sa Bulacan natuklasang nagtatago ng daan-daang libong sako ng smuggled na bigas

Aabot sa mahigit P661 million na halaga ng smuggled na bigas ang natuklasan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa siyam na mga warehouse ng bigas sa Bulacan.

Ginawa ng BOC ang inspeksyon sa mga warehouse sa bayan ng Bocaue at Balagtas pakikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA).

Kasunod ito ng impormasyon na natanggap ng BOC na ang mga warehouse ay nagtatago ng imported na mga bigas na walang proof of payment ng karampatang duties at taxes.

Umabot sa 249,500 na sako ng bigas ang nakita ng mga otoridad sa mga warehouse.

Ayon sa BOC, ipinatawag din ang mga may-ari ng nasabing warehouse para sa dayalogo na dinaluhan ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio at DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., at mga kinatawan mula sa Kamara.

Ayon kay Rubio, sa bisa ng inilabas na Letters of Authority (LOA) ng BOC, kailangang magpakita ng mga warehouse owners ng kanilang evidence of payment of duties and taxes.

Para maibsan naman ang posibleng epekto nito sa suplay ng bigas sa merkado, pumayag ang BOC at DA na ituloy ang operasyon ng mga warehouse.

Binigyan sila ng 15-araw para isumite ang mga dokumento na magpapatunay na nagbayad sila ng buwis sa gobyerno. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *