“Simbang Gabi” sa Metro Manila payapa at maayos ayon sa NCRPO
Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na matagumpay na nasisiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga nagsisimba para sa “Simbang Gabi”sa mga simbahan sa Metro Manila.
Simula nang umpisahan ang Simbang Gabi nitong December 16 ng alas-5:00 ng madaling araw at hanggang 5:00 ng umaga ng December 17, binigyang seguridad ng NCRPO ang 308 na bahay dalanginan sa buong Metro Manila kung kaya zero significant incidents o walang naitalang malalaking insidente sa panahon ng selebrasyon.
Upang mapanatili ang peace and order,nagdeploy ang NCRPO ng 1,931 na pulis mula sa limang police districts at support units bukod pa ang karagdagang personnel ng Regional Mobile Force Battalion na makakasama sa pagbibigay seguridad.
Sa pagtaya sa ikalawang gabi lamang ng Simbang Gabi, umabot sa 92,054 na deboto ang dumalo sa mga simbahan kung saan karamihan sa bilang na naitala ay mula sa Quezon City, Manila, at iba pang distrito.
Ito ay pagtalima ng NCRPO personnel sa mga prinsipyo ng ABLE, ACTIVE, AND ALLIED na liderato ni Acting Regional Director, Brigadier General Anthony A. Aberin na ipinpatupad ang visible and strategic deployment malapit sa mga simbahan, kapilya, at sa mga palibot na lugar kung saan ang presensiya ng mga pulis ay epektibong magsasawata sa mga kriminal na aktibidad habang pinapanatili ang solemnidad na tradisyon ng Pilipino.
Naglagay na rin otoridad ng Police Assistance Desks (PADs) upang umasiste sa mga tao at magsagawa ng foot and mobile patrols para mamonitor ang kaligtasan ng publiko.
Mahalaga rin ang ginagampanang papel ng traffic management sa mga operasyon kaya tumutulong ng mga pulis sa traffic enforcers na magmando ng daloy ng trapiko,pagaanin ang siksikan ng mga sasakyan at pag-uugnay sa mga alternatibong ruta sa mamamayan. Ang hakbang sa pagkontrol ng mga tao ay tinitiyak para sa maayos na pagkilos ng mga magsisimba sa bisinidad ng simbahan at matugunan ang potensiyal na overcrowding o pagkaantala.
Para tiyakin ang kaligtasan, pinaigting ng otoridad ang kanilang anti-criminality operations upang mapigilan ang insidente ng pagnanakaw, pandurukot at iba pang aktibidad na labag sa batas.
Mahigpit na ipinatutupad ng mga oulis ang mga lokal na ordinans habang isinasakatuparan ang propesyunalismo at pakikibahagi sa mahalagang kaganapang pangrelihiyon.
Samantala, nag-isyu si BGen Aberin ng istriktong kautusan sa NCRPO personnel na siguruhin ang pangkalahatang mga aktibidad ng Simbang Gabi ay ligtas sa anumang isyung pangseguridad at kung sakaling may bumangon na problema ay agad nila itong tugunan o respondehan.
“NCRPO will remain steadfast in delivering appropriate and timely peace and security initiatives all throughout the Holiday Season in Metro Manila. We will all be on the ground to ensure that we will have a police force that can be seen, heard and felt by the community,” pahayag ng NCRPO chief. (Bhelle Gamboa)