Biktima ng human trafficking nailigtas ng NBI; 7 Chinese nationals arestado sa Parañaque City

Biktima ng human trafficking nailigtas ng NBI; 7 Chinese nationals arestado sa Parañaque City

Inanunsyo ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, retired Judge Jaime B. Santiago ang pagkakarescue sa kasambahay na biktima ng human trafficking na nagresulta ng pagkadiskubre ng scamming operations at pagkaaresto ng pitong Chinese nationals sa isang bahay sa exclusive subdivision sa Parañaque City.

Iprinisinta naman sa mga mamamahayag ang pitong Chinese nationals na naaresto ng operatiba ng NBI sa kasagsagan ng kanilang operasyon dahil sa paglabag sa Anti- Trafficking in Persons Act of 2022, Computer-related Forgery sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012, Anti-Financial Account Scamming Act in relation to Domestic Workers Act o Batas Kasambahay.

Sinabi ni Dir. Santiago na nag-ugat ang kaso mula sa natanggap na reklamo ng NBI-Cybercrime Division kung saan ang kaibigan ng complainant ay ilegal na ikinulong at puwersahang pinagtrabaho ng labag sa kanyang kalooban sa bahay sa John Paul St. Multinational Village, Moonwalk sa lungsod.

Nakahingi ng tulong ang biktima nang makontak nito ang kaibigang driver na nagreport sa NBI kaya agad na nagsagawa ng rescue operation na nagresulta ng pagkarescue ng kasambahay.

Nadiskubre sa isa sa mga kuwarto ang operasyon ng scamming activities kabilang ang catfishing scam,credit cards scam,cryptocurrency scam at fake investments scam base na rin sa mga narekober na mga desktop computers, mobile phones, sim cards, written scripts, at customer ledgers.

Pinuri naman ng NBI chief ang NBI-CCD sa matagumpay na pagrescue sa biktima, mahusay na pagsagawa ng operasyon na sanhi ng pagkadiskubre ng scamming activities, at pagkaaresto ng mga Chinese suspects. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *