OCD nagsagawa ng aerial survey sa Kanlaon Volcano

OCD nagsagawa ng aerial survey sa Kanlaon Volcano

Nagsagawa ng aerial survey ang mga opisyal ng Office of the Civil Defense (OCD) at Phivolcs sa Mt. Kanlaon.

Gamit ang dalawang Black Hawk Helicopters ng Philippine Air Force, isinagawa ang aerial survey upang maghanap ang fissures, vents at iba pang senyales matapos ang pagputok ng bulkan.

Kasama sa aerial survey sina Phivolcs Director Teresito Bacolcol, OCD Western Visayas Director Raul Fernandez, OCD Central Visayas Director Joel Erestain at mga opisyal ng Air Force.

Pagkatapos ng aerial survey, dumalo naman ang mga kinatawan ng Phivolcs sa pulong na pinangunahan ng Negros Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Matapos ang pagputok ng bulkan noong Dec. 9, agad nag-delpoy ang Phivolcs ng kanilang Quick Response Team (QRT) sa lugar upang magsagawa ng mapping at documentation ng pinsala ng pagputok.

Kumuha din ng ash samples ang Phivolcs para maisailalim sa laboratory analyses. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *