SRI ng mga public school teacher itataas sa P20K mula sa P18K

SRI ng mga public school teacher itataas sa P20K mula sa P18K

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang Service Recognition Incentive (SRI) ng public school teachers sa P20,000 mula P18,000.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) na magtulungan para maibigay ang mas mataas na halaga gn SRI sa mga guro.

Ito ay bilang pagkilala aniya sa serbisyo na ibinibigay nila sa mga kabataang Pinoy.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaasahang aabot sa 1,011,800 na DepEd personnel ang makikinabang sa pagtataas ng SRI.

Ang SRI ay ang taunang incentive na ibinibigay sa mga government employees bilang pagkilala sa kanilang commitment at dedikasyon sa trabaho.

Nagpasalamat naman si Education Secretary Sonny Angara sa naging direktiba ng pangulo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *