Mahigit 1.4M Family Food Packs inihanda ng DSWD para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Mt. Kanlaon

Mahigit 1.4M Family Food Packs inihanda ng DSWD para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Mt. Kanlaon

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na sapat at hindi kukulangin ang mga family food packs (FFPS) ng ahensya para ipamahagi sa mga apektadong pamilya sa Negros island matapos na pumutok ang bulkang Kanlaon.

Ayon kay Gatchalian, mayroong mahigit sa 1.4 milion food packs na nakapre-position sa mga warehouse ng Regions 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), at iba pang kalapit na lugar nito na maaaring maapektuhan ng pagputok ng bulkan.

Ang mahigit na 1.4 million food packs ay pawang naka-preposition sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kung saan ang halos 105,857 ay nakalagak sa Region 6 habang ang 84,537 kahon ng FFPs naman ay nasa Region 7.

Sinabi ni Gatchalian na naka-full alert ang ibang field offices ng DSWD.

Bukod naman sa mga nakahandang FFPs, mayroon ding naka-preposition na food and non-food items ang ahensya tulad ng kitchen kit, family kit, sleeping kit, hygiene kit, at laminated sacks.

Ang mga ito ay nakahanda na ring ipamahagi sakaling kailanganin. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *