LRT-2 may Libreng Sakay sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights
Magbibigay ng Libreng Sakay ang LRT-2 sa mga pasahero nito bilang pakikiisa sa anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights.
Ayon sa abiso ng LRT-2, sa December 10, libreng makasasakay sa tren ang mga pasahero sa sumusunod na mga oras:
7:00AM hanggang 9:00AM
5:00PM hanggang 7:00PM
Sa nasabing petsa kasi gunigunita ang ika-76 na anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights at National Human Rights Conciousness Week.
Ayon sa pamunuan ng LRT-2, bahagi ng karapatang pantao ang pagkakaroon ng ligtas at maginhawang pagbiyahe ng mga pasahero. (DDC)