Mga Pinoy sa Syria pinag-iingat ng DFA

Mga Pinoy sa Syria pinag-iingat ng DFA

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Syria kasunod ng pagsiklab ng kaguluhan doon.

Nanawagan ang DFA sa mga Pinoy sa nasabing bansa na maging maingat at palagiang makipag-ugnayan as embahada ng Pilipinas sa Damascus.

Tiniyak din ng DFA na patuloy ang pag-monitor nito sa sitwasyon sa nasabing bansa.

Nanawagan ang ahensya sa magkabilang partido na iwasan na ang mga hakbang na makapagpapalala pa sa sitwasyon.

Sa ngayon wala pa namang Pinoy na napaulat na naiipit sa crossfire sa Syria.

Sumiklab ang kaguluhan sa Syria matapos maglunsad ng kampanya ang Islamist Hayat Tahrir al-Sham group kung saan hinamon nito ang limang dekada nang pamumuno sa bansa ng pamilya Assad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *