Paglalagay ng dedicated power circuit sa mga terminal ng NAIA, natapos na ng Meralco
Aasahan na magiging mas stable na at reliable ang suplay ng kuryente sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa New NAIA Infra Corp. o NNIC, natapos na ng Meralco ang paglalagay ng “express feeder” na nagkukunekta sa NAIA terminals 1, 2, at 4 para sa dedicated power circuit.
Bago ito, ang nasabing mga terminal ng NAIA ay nakikihati sa power supply ng mahigit 4,000 residential at commercial users sa Pasay City.
Ito ang dahilan ayon sa NNIC kaya nagkakaroon ng power fluctuations at outages sa mga terminal na nagreresulta sa pagkabalam ng operasyon nito.
Sa pagkakaroon ng dedicated connection, inaasahan ang mas stable na suplay ng kuryente sa tatlong terminal ng NAIA.
Inaasahan ding mababawasan na ang disruptions lalo na kapag ganitong panahon ng peak travel seasons.
Ang paglalagay ng dedicated pwoer supply sa tatlong terminal sa NAIA ay bahagi pa rin ng upgrades at iba pang pagsasaayos sa NAIA mula nang mag-take over ang pribadong kumpanya na NNIC. (DDC)