Tatlong weather system umiiral sa bansa
Tatlong weather system ang umiiral ngayon at nakakaapekto sa bansa ayon sa PAGASA.
Sa weather forecast ng PAGASA, ang Bicol Region, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon, at Aurora ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Shear Line.
Intertropical Convergence Zone naman o ITCZ ang umiiral sa Visayas, Mindanao at Palawan.
Habang apektado ng Northeast Monsoon ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan dahil sa localized thunderstorms. (DDC)