Ligtas at payapang holiday season sa Metro Manila,sisiguruhin ng NCRPO

Ligtas at payapang holiday season sa Metro Manila,sisiguruhin ng NCRPO

Sisiguruhin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director, Brigadier General Anthony A. Aberin ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan sa Metro Manila sa makabuluhang pagdiriwang ng holiday season.

Inihayag ni BGen Aberin na hindi sila hihinto na sugpuin ang lahat ng uri ng krimen sa buong rehiyon.

Aniya tuluy-tuloy ang NCRPO sa ginagawang mga hakbang laban sa mga kriminal sa pamamagitan ng iba’t ibang mga operasyon ng pulisya.

Sinabi rin ng NCRPO chief ang matagumpay na 24-oras na region-wide operation kontra kriminalidad sa Metro Manila.

Samantala, magdedeploy naman ang Southern Police District ng 2,154 na tauhan nito para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa katimugang Metro Manila sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay SPD District Director, BGen Bernard R Yang, bukod sa kanyang mga tauhan, mayroon din karagdagang 2,069 na opisyal mula sa kaalyadong puwersa at force multipliers na bhagi sa operasyon para paigtingin ang seguridad sa matataong lugar kasama na ang mga simbahan, MRT, LRT, transport terminals, malls at markets upang masawata ang mga mangyayaring insidente.

“We are anticipating a surge of people gathering in malls, parks, churches, and other popular destinations during the holiday season. Additionally, bus terminals, train stations, and other transport hubs are expected to be bustling as people travel to their hometowns or tourist destinations,” pahayag ni BGen Yang.

“To ensure the safety and peace of the public, we have mobilized our resources, in close coordination with our partners, to maintain order and prevent untoward incidents,” dagdag pa nito. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *