LGU Support System inilunsad ng DILG para sa target na digitalization
Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Local Government Unit Support System (LGUSS).
Ayon sa DILG, ito ay bilang pagsuporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa digitalization ng government services.
Ang LGUSS ay binubuo ng Barangay Information Management System (BIMS) at Cities and Municipalities Information Management System (CMIMS).
Ayon kay DILG Undersecretary Lord Villanueva, inaasahang mapagbubuti nito ang kalidad ng serbisyo sa mga barangay, munisipalidad at mga lungsod.
Batay sa survey na ginawa ng DILG, 98.84 percent ng 16,246 na respondents mula sa mga barangay at 98.69 percent ng 1,831 respondents mula sa lungsod at munisipalidad ang pabor na i-adopt ang LGUSS.
Sa mga susunod na taon daragdagan pa ang modules para sa LGUSS at inaasahang lalamanin nito ang Barangay Community Feedback/Request, Barangay Vaccination Monitoring, Barangay Projects Monitoring, Land Registration, Disaster Monitoring, and Collections ay Remittance Monitoring. (DDC)