2.5 percent inflation rate naitala noong Nobyembre
Bumilis sa 2.5 percent ang headline inflation o ang pagtaas presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala ang 2.5 percent inflation rate noong nakaraang buwan na mas mataas sa 2.3 percent noong Oktubre.
Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Nobyembre 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.
Kabilang sa tumaas ang presyo ay ang vegetables, tubers, kamatis, isda at iba pang seafood.
Tumaas din ang presyo ng karne, partikular ang karne ng baboy.
Nakapagtala din ng pagtaas sa presyo ng “transport” aprtikular ang presyo ng gasolina at diesel. (DDC)