Namataang Russian submarine sa Occidental Mindoro kinumpirma ng AFP

Namataang Russian submarine sa Occidental Mindoro kinumpirma ng AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may namataang Russian submarine sa karagatan ng Occidental Mindoro noong Nov. 28, 2024.

Ayon sa pahayag ng AFP, namataan ang UFA 490 sa 80 nautical miles west ng Cape Calavite base sa report ng Philippine Navy (PN).

Sinabi ng AFP na agad nag-deploy ng assets sa lugar para bantayan ang sitwasyon.

Nang radyohan ng BRP Jose Rizal (FF150) ang submarine, ibinigay naman nito ang identity, crew complement, at kanilang navigational intent.

Naghihintay umano ang Russian vessel na gumanda ang panahon bago maglayag patungo ng Vladivostok, Russia.

Ayon sa AFP, ineskortan ng Philippine naval forces, kabilang ang FF150 ang nasabing submarine para masigurong wala itong nilalabag sa maritime regulations habang nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *