Ipinakakalat na impormasyon hinggil sa pagbawas umano sa coverage ng Philhealth, peke ayon sa DBM

Ipinakakalat na impormasyon hinggil sa pagbawas umano sa coverage ng Philhealth, peke ayon sa DBM

Itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga ipinakakalat na impormasyon sa social media tungkol sa umano’y pagbabawas sa coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon sa DBM, ang nasabing impormasyon ay “mali, walang basehan, at misleading”.

Layon lamang umano nitong magdulot ng kalituhan at pangamba lalo na sa mga higit na nangangailangan, gaya ng mga kababayan na 4Ps members, seniors, PWDs, at kanilang dependents.

Sinabi ng DBM na hindi totoong inirekomenda ng ahensya na bawasan ang saklaw ng PhilHealth premium.

Ipinaliwanag ng DBM na wala itong kapangyarihang bawasan o dagdagan ang bilang ng benepisyaryo dahil sumusunod lamang ang ahensya sa kung ano ang naaprubahan sa national budget, kung saan ang target beneficiaries ay nanggagaling mismo sa PhilHealth.

Paglilinaw ng DBM, walang miyembro at benepisyaryo ang mawawalan ng coverage. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *