Security personnel ni VP Sara papalitan ng mga bagong tauhan mula AFP at PNP
Papalitan ang mga security personnel na nakatalaga kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner Jr. ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ay papalitan pansamantala ng mga bagong military at police personnel.
Sinabi ni Brawner na sasailalim sa imbestigasyon ng PNP ang mga miyembro ng VPSPG.
Para matiyak ang epektibong seguridad ng bise presidente, magtatalaga ng mga bagong sundalo at pulis bilang bahagi ng kaniyang security personnel.
Sinabi ni Brawner na maaaring dahil sa subpeona ng PNP sa VPSPG ay hindi nila magampanan ang kanilang tungkulin na protektahan ang bise presidente.
Una ng sinabi ng PNP na nag-deploy ito ng 25 pulis para maging security personnel ni VP Sara. (DDC)