Las Piñas kinilala sa mahusay na pamamahala sa mga programa
Panibagong tagumpay ang nakamit ng Las Pin̈as City dahil sa napakahusay na pagpapatupad at pamamahala sa iba’t ibang programa sa lungsod.
Iprinisinta ni Vice Mayor April Aguilar kasama ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan at mga department heads ang mga parangal na natanggap ng Las Pin̈as City kabilang ang Top 1 2024 Fisheries Compliance Audit; Highly Compliant LGU in the Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program;Highly Functional Anti-Drug Abuse Council (ADAC);High-Performing Peace and Order Council (POC); Ideal Local Council for the Protection of Children (LCPC); at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC).
Pinarangalan ang lungsod dahil sa mga epektibong hakbang nito sa pangingisda; pangangalaga sa kalikasan at pagtalima sa pambansang pamantayan; pagpapanatili sa kaligtasan at seguridad ng publiko; at pagtugon sa kapakanan ng kabataan at kababaihan upang labanan ang human trafficking.
Pinasalamatan ni Vice Mayor April Aguilar ang mga opisyal at empleyado ng Las Pin̈as sa kanilang pagsisikap at dedikasyon na mahalaga sa pagpapanatili sa napakahusay na serbisyo publiko para sa benepisyo at kapakanan ng mga residente. (Bhelle Gamboa)