Access sa de kalidad na edukasyon para sa mahihirap at marginalized sectors mas mapapadali sa ilalim ng naisabatas na ALS Act – Sen. Bong Go
Mas mapapadali ang access sa edukasyon ng mga mahihirap at marginalized sectors ngayong naisabatas na ang Republic Act 11510 o ang Alternative Learning System (ALS) Act.
Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, napapanahon ang pagsasabatas nito ngayong nakararanas pa din ng krisis ang bansa dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19 at naapektuhan ang operasyon ng mga paaralan at pag-aaral ng mga bata.
“Education is a constitutionally enshrined right which the State must protect and promote. Thus, ensuring education for all should be a top priority. For this to be achieved, it is vital that opportunities to learn and receive quality education are accessible to all those who so desire,” ayon kay Go.
Si Go ay co-author ng nasabing batas na layong matulungan ang mga indigenous students, mahihiral na mag-aaral, at iyong may physical and learning disabilities.
Ang Senate version na Senate Bill No. 1365 ay iniakda at inisponsor ni Senator Sherwin Gatchalian.
Ang House Bill No. 6910 naman ay iniakda ni Representative Aurelio D. Gonzales Jr.
Sa ilalim ng ALS Act bibigyang konsiderasyon ang pangangailangan at kakulangan ng mga mag-aaral.
Maglalatag ng specialized programs at alternatibong education approaches na iba sa ginagawa sa formal learning system.
Nakasaad sa batas na gagawin ang pagtuturo gamit ang kumbinasyon ng learning modalities, kabilang ang face-to-face learning sessions, modular instruction, digital instruction at workshops.
Sa sandaling makumpleto ang programa, ang estudyante ay sasailalim sa accreditation and equivalency (A&E) assessments na gagawin ng Department of Education.
Ang mga estudyanteng makapapasa sa elementary level A&E ay pwede nang mag-enroll sa junior high school.
Ang mga nakapasa sa junior high school A&E ay pwede nang mag-senior high school o pumili ng education and training program na iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority.
Habang ang mga estudyante na makapapasa sa senior high school A&E ay kwalipikado na para sa higher education.
Pawang specially-trained ALS instructors ang magbibigay ng face-to-face learning sessions sa Community Learning Centers o sa DepEd-run schools.
Iniuutos din sa ilalim ng batas ang pagtatayo ng Bureau of Alternative Education na magsisilbing focal office ng DepEd para sa pagpapatupad ng ALS programs.
Si Go ay co-author din ng SBN 1907 o an ‘Act Instituting Services and Programs for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education’.
Layon ng panukala na pagbutihin pa ang edukasyon sa formal learning sector sa pamamagitan ng paglalaan ng free support services at mga programa para matugunan ang pangangailangan ng differently-abled learners.
Sa ilalim ng panukala, ipatutupad ang Child Find System, na layong mahanap at ma-evaluate ang mga estudyante na mayroong disabilities at hindi nakatatanggap ng basic education services upang sila ay maisama sa general education system.
Inihain din ni Go ang Senator SBN 396 noong 2019 na layong maamyendahan ang Local Government Code of 1991 at mapalawig ang Special Education Fund.
Ito ay upang magamit ng mga LGU ang kanilang resources upang makabuo ng bagong education policies at learning techniques.
Layon din ng panukala ma maipagamit ang pondo nh LGU para sa operasyon ng ALS ksama na ang pagbabayad ng sweldo, allowances at iba pang benepisyo ng mga guro.
“Amid the ongoing health crisis, we should continue to look for ways to ease the mental, emotional and financial burdens of our students and their families. Hangad natin ay hindi lang mas maraming estudyanteng nag-aaral. Target din natin na mas maraming nakakapagsitapos ng pag-aaral,” ayon sa senador.
Co-author din ng ALS Act sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at Senators Nancy Binay, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Ronald dela Rosa, Sonny Angara, Pia Cayetano, Richard Gordon, Panfilo Lacson, Manuel Lapid, Imee Marcos, Emmanuel Pacquiao, Francis Pangilinan, Aquilino Pimentel III, Grace Poe, Ramon Revilla Jr., Francis Tolentino, Joel Villanueva, and Cynthia Villar.
Habang sa Kamara, co-author ng batas ang maraming kongresista sa pangunguna ni House Majority Leader Ferdinand Martin G. Romualdez. {