Military lawyer natagpuang patay sa loob ng quarters sa Camp Aguinaldo

Military lawyer natagpuang patay sa loob ng quarters sa Camp Aguinaldo

Isang military lawyer ang natagpuang walang buhay sa loob ng kaniyang quarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang sundalo ay nakilalang si Col. Rolando Escalona Jr. na nagsisilbi sa Judge Advocate General’s Service (JAGS).

Sinabi ng AFP na agad silang nakipag-ugnayan sa Scene of the Crime OPeratives (SOCO) para maimbesitgahan ang insidente.

Tiniyak din ng AFP ang impartial investigation sa nangyari.

Samantala, ipinaabot din ang pakikiramay sa mga naulilang kaanak ni Escalona. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *