Higit 700 residente nabenepisyuhan sa Health and Wellness Caravan ng Las Pin̈as LGU

Higit 700 residente nabenepisyuhan sa Health and Wellness Caravan ng Las Pin̈as LGU

Mahigit 700 na residente ng Barangay Pulanglupa Uno ang natulungan sa libre at mahahalagang serbisyong medikal ng Pamahalaang Lungsod ng Las Pin̈as sa pangangasiwa ng City Health Office sa isinagawang Health and Wellnes Caravan sa Mapayapa Covered Court ng naturang barangay.

Natanggap ng mga residente ang malawak na libreng serbisyong alagang pangkalusugan kabilang ang medical consultations, cholesterol and blood sugar tests, dental services, chest X-rays, at ECG screenings.

Inialok din sa caravan ang pneumonia vaccinations para sa senior citizens, libreng mga gamot at tulong mula sa PhilHealth registration at ng Green Card program ng lokal na pamahalaan.

Karagdagang mga serbisyo din ang inihandog kasama na ang mobile birth registration at nutrition counseling upang tiyakin ang pangkalahatang suporta sa komunidad.

Pinangunahan ni Vice Mayor April Aguilar ang nasabing inisyatiba kasama si Konsehal Mark Anthony Santos at mga kandidatong konsehal ng Team Aguilar District 1 na sina Alelee Aguilar, Mac Mac Santos, at Marlon Rosales.

Ang kanilang pagsama sa programa ay sumasalamin sa pangako ng administrasyong Aguilar na lalo pang pagbutihin ang kalusugan at kapakanan ng mga Las Pin̈eros.

Samantala personal namang binantayan ni CHO head Dr. Juliana Gonzalez ang operasyon ng caravan upang siguruhing maayos ang pagbibigay ng mga serbisyo sa mga residente.

Ayon kay Dr. Gonzalez ang programang ito ay malaking tulong sa komunidad at binigyang-importansiya nito ang preventive care at maagang pagtuklas ng mga sakit.

Sa patuloy na suporta ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at healthcare professionals ay mag-iikot sa mga barangay na mananatiling dedikasyon ng Las Pinas na siguruhin ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan nito. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *