Mayor Binay umani ng negatibong reaksyon mula sa EMBO residents sa mga kontrobersiyal na aksyon

Mayor Binay umani ng negatibong reaksyon mula sa EMBO residents sa mga kontrobersiyal na aksyon

“Masama po loob namin. Sabi niya noon ipaglalaban niya kami. Ano na po ang nangyari ngayon?”

Ito ang emosyonal na pahayag ni Mary Grace Garcia, isang residente ng EMBO sa kanyang pagkadismaya dahil sa kawalan ng aksyon ni Makati Mayor Abby Binay para sa kapakanan nila kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na ilipat ang kanilang hurisdiksiyon sa Taguig City.

Ikinalungkot ni Garcia ang pagsara ng mga health centers sa EMBO barangays noong 2023 matapos umatras si Binay sa kanyang naunang pangako na iturn-over sila sa Taguig.

“Masakit sa amin ang ginawa niya, lalo na sa mga [health] centers. Alam niya na maraming mahihirap ang ‘di kayang pumunta sa private [hospitals], tapos ganyan ginawa niya? Sinarado niya,” sabi ni Garcia.

Kasama rin sa hinaing ng mga residente ang pagpapawalang- bisa sa ‘yellow cards’ na unang nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng 10 EMBO barangays.

Ang sitwasyong ito ay partikular na hamon sa mga pasyente sa EMBO lalo na ang mga senior citizens na katulad ni Armando Santocildes na nagpahayag ng kanyang pagkadismay.

“Bilang isang senior [citizen], asan na ang mga [health] centers? Dati napakalapit, pero ngayon nagdudusa na ako. Pumupunta pa ako ng Taguig,” sabi nito.

Pinuna ni Santocildes ang mga desisyon ni Biny partikular ang pagsara ng mga pampublikong pasilidad na nagseserbisyo sa ordinary ongoing residente.

“Kung ang adhikain nila ay makatulong sa masa, dapat [mga programa nila] pang-masa. Katulad ng mga basketball courts at health centers—lahat ’yan pinasarado nila. Asan yung sinabing ‘makatao’? Nawala yun, kasi kung talagang makatao ka, iintindihin mo yung mga taong nangangailangan talaga,” dagdag pa nito.

Si Mayor Abby Binay na nakatutok sa pontensiyal na pagtakbo sa pagkasenador sa 2025 elections ay pinuna siya ng mga residente sa paggamit sa pangalan nina Taguig City Mayor Lani Cayetano at Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang pagpapahayag ng pulitika laban sa Taguig.

Ang ganitong hakbang umano ayon sa mga residente ay sumasalamin sa mahinang liderato ni Binay.

“Mali ang ginagawa niya. Maganda naman ang ginagawa ng mga Cayetano. Bakit kailangan niya pa awayin? Dapat magtulungan at mag-suportahan na lang. Gusto nila maibalik ang nararapat sa mga tao para gumanda ang Pembo. Gusto lang nila makatulong sa amin,” ipinunto ni Garcia.

“Dapat ’di na ginagamit ni Abby Binay ang mga Cayetano para sumikat pa. Sana po, mga taga-EMBO, gumising na po tayo sa katotohanan,” ani Santocildes.

Sa dumaraming dismayadong residente ng EMBO ay tumataas ang kanilang kawalan ng kasiyahan dahil sa mga paratang na si Binay ay pakitang tao lamang.

“Pinahirapan na niya masyado ang mga tao sa EMBO. Hinahanap ko y’ung huling salita niya noon na ipaglalaban niya ang mga [tao] sa EMBO, ngayon iniwan niya nalang basta-basta na hindi man lang niya ipinaglaban,” pagbabahagi ng isa pang residente na si Cherry Vera.

Ang pagsara ng mga health centers ay hindi lamang isyu na nagpagalit sa mga residente kundi maging ang pagshut down ng Makati sa mga fire stations, day care centers, at covered courts sa EMBO barangays kung saan pinagkaitan ng Makati ang mga residente ng mahahalagang pampublikong pasilidad. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *