Mayor Amerika ng Infanta, tumangging bumaba sa pwesto matapos patawan ng preventive suspension

Mayor Amerika ng Infanta, tumangging bumaba sa pwesto matapos patawan ng preventive suspension

Bagama’t naipaliwanag na ng DILG ang tamang proseso sa ipinataw na Preventive Suspension kay Mayor Filipina Grace America apat na pu’t limang araw o 45 days na pagka suspendi ay ayaw pa rin itong bumaba sa pwesto dahil meron umano siyang sariling interpretasyon mula sa kanyang abogado.

Naungkat ang mga paglabag ni Mayor America dahil sa pag-iisyu ng business permit sa kabila ng walang prangkisa na dapat ay aprubado ng Sangguniang Bayan.

Batay sa liham na ipinadala ng Provincial Government at Sangguniang Panlalawigan para kay Mayor America; Nais ipaalam sa inyo ng tanggapang ito ang pagpapataw ng inyong apatnapu’t limang (45) araw na preventive suspension gaya ng itinatadhana sa pamamagitan ng Memorandum Order 247, series of 2024 mula sa Provincial Government at Sangguniang Panlalawigan Provincial Resolution No. 2024-295.

Sa pamamagitan nito, kayo ay inaatasan na sumunod sa Preventive Suspension Order at agad na lisanin ang Tanggapan ng Munisipal na Alkalde hanggang sa maalis ang Preventive Suspension.

Mangyaring ibalik ang mga nauugnay na dokumento, sa loob ng 24 na oras mula sa pagtanggap ng memo na ito, na may kaugnayan sa mga operasyon ng opisina ng executive upang hindi makapinsala at makagambala sa pang-araw-araw na operasyon.

Para sa iyong agarang pagsunod ay papalit si Vice Mayor LORD ARNEL RUANTO bilang Acting Municipal Mayor sa Bayan ng Infanta, Quezon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *