Panibagong bagyo posibleng mabuo sa loob ng bansa sa susunod na linggo
Walang binabantayang aktibong bagyo o tropical cyclone ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA ngayon linggo o mula Nov. 22 hanggang Nov. 28, walang bagyo na mabubuo o papasok sa loob ng bansa.
Samantala, posible namang may mabuong bagyo sa PAR sa ikalawang linggo ng forecast period ng PAGASA o sa pagitan ng Nov. 29 hanggang Dec. 5.
Ang bagyo ay inaasahang lalapit sa Visayas o Southern Luzon area.
Paalala ng PAGASA, maaari pang magbagyo ang forecast kaya pinapayuhan ang publiko at ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) na mag-antabay sa mga susunod na update ng weather bureau. (DDC)