DTI pinag-iingat ang mga consumer sa pekeng Highlands Corned Beef na ibinebenta sa merkado
Pinag-iingat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumer sa kumakalat na pekeng Highlands Corned Beef sa merkado.
Ayon sa DTI, may mga repacked corned beef na ibinebenta gamit ang pangalan ng “Highlands”.
Sinabi ng DTI na peke ang mga ito.
Paalala ng DTI, ang Highlands Gold Corned Beef ay may mga size laang na 150g, 210g, 260g, at 320g.
Sinabi ng DTI na hindi nagbebenta ang “Highlands” ng produkto nila na mayroong dent sa lata at ng frozen corned beef.
Para makasiguro sa binibiling produkto, ipinaalala ng DTI na bumili lamang sa authorized retailers. (DDC)