2M Family Food Packs naipamahagi na sa mga lugar na nasalanta ng magkakasunod na bagyo

2M Family Food Packs naipamahagi na sa mga lugar na nasalanta ng magkakasunod na bagyo

Umabot na sa halos dalawang milyong kahon ng family food packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang local government units (LGUs) na naapektuhan ng mga bagyong Kristine, Leon, Ofel, Marce, Nika, at Pepito.

Ayon kay Disaster Response Management Group (DRMG) Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, patuloy pa rin aniya ang ginagawang prepositioning ng mga FFPs sa kabila ng pamamahagi ng relief assistance sa mga naapektuhan ng bagyo.

Sabayan aniyang ginagawa ang pagpo-produce ng food packs sa major production hubs ng DSWD sa Pasay City at Cebu at ang pag-dispatch o pag-release ng karagdagang food packs bilang suporta sa mga apektadong LGU.

Sa 1,956,942 FFPs na naipamahagi, 1,451,593 dito ay naipaabot sa mga rehiyong sinalanta ng bagyong Kristine at Leon.

Mahigit naman sa 390,000 food packs ang naibigay sa sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nika, Pepito, at Ofel, habang ang mahigit sa 100,000 food packs ay ipinadala sa LGUs na naapektuhan ng bagyong Marce.

Ang DSWD ay may standby funds na P130.9 million at stockpile na nagkakahalaga ng P940.2 million. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *