Kampanya sa early screening at detection ng Breast Cancer paiigtingin pa ng DOH

Kampanya sa early screening at detection ng Breast Cancer paiigtingin pa ng DOH

Umabot na sa 33,079 ang kaso ng breast cancer sa Pilipinas ngayong taong 2024.

Ayon sa Department of Health (DOH) sa nasabing bilang 17.5% ay bagong kaso,

Ito pa rin nangungunang uri ng cancer sa bansa.

Dahil dito sinabi ng DOH na mas paiigtingin pa ang kampanya sa early screening at detection para maagapan ng maaga ang breast cancer.

Kamakailan, inilunsad ang Breast Cancer Early Detection Services sa Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Iloilo City, bilang parte ng malawakang kampanya ng DOH kaugnay ng breast cancer.

Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa kinakailangang batid ng mga kababaihan ang kahalagahan ng regular breast screening.

Mas mataas aniya ang tyansang gumaling ang sakit kung ito ay maagang nade-detect at natutugunan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *