DOLE pinaalalahanan ang mga employers sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado

DOLE pinaalalahanan ang mga employers sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado

Nagpaalala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa pagbibigay ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Ayon sa DOLE, ang 13th month pay ay dapat ibigay sa lahat ng rank-and-file employees anuman ang kaniyang posisyon, designation o employment status basta’t nakapagtrabaho na siya sa kumpanya sa loob ng hindi bababa sa isang buwan.

Ang 13th month pay ay katumbas ng isang buwang sweldo ng empleyado.

Ayon sa DOLE, kailangan itong maibigay ng hindi lalagpas sa December 24, 2024.

Inatasan din ng DOLE ang mga employer na magsumite ng compliance report sa ahensya hanggang sa January 15, 2025 kaugnay sa pagtupad nila sa pagbibigay ng 13th month pay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *