Pangulong Marcos tiniyak ang suporta sa soberanya at kalayaan ng bansang Ukraine

Pangulong Marcos tiniyak ang suporta sa soberanya at kalayaan ng bansang Ukraine

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng Pilipinas sa soberanya at kalayaan ng bansang Ukraine.

Kasunod ito ng paggunita ng ika-1,000 araw mula ng magsimula ang giyera sa nasabing bansa.

Ayon sa pangulo, umaasa ang Pilipinas na magkaroon na ng just and lasting peace sa Ukraine.

Binanggit din nito na ang Ukraine ay mahalagang partner ng Pilipinas at patuloy na tumitibay ang relasyon ng dalawang bansa.

Noong June 2024, nagkaroon ng pulong si Pangulong Marcos kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy ung saan igiinit nito ang suporta ng Pilipinas sa pagkakaroon ng pagkakaisa at territorial integrity sa nasabing bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *