PDLs record sa BuCor, digitized na
Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na kumpleto na ang digitization ng kanyang Carpeta na binubuo ng mga records ng persons deprived of liberty (PDLs) na mayroong full backing mula sa European Union’s Information and Communications Equipment.
Ipinahayag ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang kanyang pasasalamat kay Massimo Santoro, ang European Union Ambassador to the Philippines, sa donasyong ipinagkaloob na tig-pitong scanners at laptops na nagkakahalaga ng P12- million upang makatulong sa digitization ng PDL records.
Anv nga devices na ito ay malakibg tulong sa Bucor at prison officials sa pagmomonitor ng estado ng PDLs upang matukoy ang mga kuwalipikado sa maagang pagpapalaya; pagkalkula o pag-aaral ng credits for preventive imprisonment (CP) at time allowances ng PDLs;pagpapanatili ng impormasyong pangkalusugan ng PDLs na mahalaga sa panahon ng emergencies;at paggamit ng biometric data at iba pang personal identifiers para sa PDL identification.
Ayon sa BuCor ang ICT equipment ay ilalaan sa pitong operational prisons and penal farms sa bansa kasama ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, San Ramon Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, at Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte.
Ibinida rin ng Bucor ang kanyang OneBuCor Portal’s Inmate Management Information System, ang masusi at sentralisadong plataporma sa pagtutok sa mga operasyon ng Bureau of Corrections.
Tampok sa system ang Document Tracking System, Human Resource Management Information System sa ilalim ng Administrative Information System, at kabilang ang mga aspeto sa Procurement, Delivery, Issuance, at Inventory sa Logistics Information System kasama ang komprehensibong pamamahala sa PDL records sa tulong ng Inmate Management Information System.
Samantala ang inisyatiba ng Go Just sa kanilang website ay nakikipagtulungan sa Philippine Supreme Court, Department of Justice, at ng Department of the Interior and Local Government upanv mapahusay ang access sa hustisya para sa lahat.
Ang GOJUST ay hanggang June 2025 na may kabuuang budget na 19 million EUR kung saan magmamarka ito sa second phase ng GOJUST Programme, na lumikha ng kanyang kapalit na nag-operate magmula April 2016 hanggang September 2020, na pinondohan din ng European Union sa halagang 16 million EUR. Nanatili ang EU sa pagsuporta sa pamamahala at mga inisyatibang katarungab sa Pilipinas simula pa noong 2000.
Ang implementasyon ng GOJUST ay sa pamamagitan ng technical assistance mula sa British Council kasama ang logistical at grant management support buhat sa United Nations Office for Project Services (UNOPS).
Dumalo sa kaganapan sina Justice Undersecretary Deo Marco, who represented Justice Secretary Crispin Remulla and Asec Art Malvar, Supreme Court Alicia Louro-Pena, Programme Manager for the European Union in the Philippines, Sirpa Helena Jarvenpaa, Country Manager ng UNOPS, at Christian Eldon, Team Leader ng Technical Assistance Team para GOJUST. (Bhelle Gamboa)