Justice Fernanda C. Lampas Peralta itinalaga bilang chief justice ng Court of Appeals
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Justice Fernanda C. Lampas Peralta bilang Presiding Justice ng Court of Appeals.
Natanggap ng Office of the Chief Justice ng Supreme Court ang appointment ni Peralta mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Si Peralta ay nanilbihan sa Court of Appeals bilang Associate Justice sa llob ng mahigit 20 taon na.
Nagtapos si Peralta nglaw sa San Beda College of Law noong 1984 at nagtrabaho muna sa pribadong sektor bilang certified public accountant-lawyer bago magtrabaho sa Office of the Solicitor General noong 1986. (DDC)