178 na gagamba nakumpiska sa isang air parcel galing Indonesia

178 na gagamba nakumpiska sa isang air parcel galing Indonesia

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang 178 spiderlings na itinago sa sa isang air parcel galing Indonesia.

Idineklara ang parcel na naglalaman ng “hairclips” na dadalhin dapat sa Valenzuela City.

Nang isailalim sa physical examination, natuklasan na naglalaman ang parcel ng 157 vials ng mga buhay na gagamba, habang 21 ang naglalaman ng deceased specimens.

Ayon sa BOC, ang tangkang papupuslit sa mga buhay na spiderlings ay malinaw na paglabag sa Sections 117 at 113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Dinala na sa Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENR) ang mga nakumpiskang gagamba. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *