Maaliwalas na panahon aasahan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw – PAGASA

Maaliwalas na panahon aasahan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw – PAGASA

Matapos ang magkakasunod na bagyo inaasahang magiging maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, shear Line at easterlies lamang ang umiiral sa bansa.

Ang Northeasterly Surface Windflow ay magdudulot ng maulap na papawirin ngayong araw sa lalawigan ng Batanes.

Apektado naman ng shear line ang Babuyan Islands na makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Samantala easterlies naman ang magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga at Northern Mindanao.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Davao Region.

Habang localized thunderstorms ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *