Pre-emptive at force evacuation sa mga residente malapit sa ilog iniutos ng Cagayan Provincial Government

Pre-emptive at force evacuation sa mga residente malapit sa ilog iniutos ng Cagayan Provincial Government

Ipinag-utos na Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) sa lahat ng Provincial at Local Government Units maging ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) ang istriktong pagpapatupad ng pre-emptive at force evacuation dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa Cagayan River.

Sa inilabas na memorandum 143 series of 2024 ng Office of Civil Defense , lahat ng mga Local DRRM Council lalo na sa malapit sa ilog na kailangan nang magsagawa ng paglilikas sa kanilang mga residente.

Patuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog dahil sa ulan na ibinuhos ng bagyong “Pepito” at pagbubukas ng gates ng Magat Dam.

Layon ng kautusan na matiyak ang maagang pagtugon ng LDRRMC para sa kaligtasan ng publiko sa banta ng malawakang pagbaha.

Una rito ay nagpatawag ng pulong ang Incident Management Team ng PDRRMC ng Cagayan para mapaghandaan ang inaasahang pagbaha.

Nakahanda at nakastand-by ang lahat ng mga rescue asset ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na gagamitin kung kinakailangan.

Nakatutok din ang lahat ng mga personnel ng pitong station ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) sa kanilang mga nasasakupang lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *