Limang spilling gate ng Magat dam bukas at nagpapakawala ng tubig

Limang spilling gate ng Magat dam bukas at nagpapakawala ng tubig

Binuksan ang isa pang gate ng Magat Dam dahilan para umabot na sa limang gate nito ang bukas at nagpapakawala ng tubig.

Ayon sa National Irrigation Administration (NIA) – Magat River Integrated Irrigation System Dam and Reservoir Division (MRIIS DRD), nagbukas na ang ng spillway radial gate number 7 na mula 0 metro hanggang 1 metro tanghali ng Lunes, Nobyembre 18.

Ito ay dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa Magat Dam na dulot ng Bagyong “Pepito”.

Ang kabuuang pagbubukas ng nasabing gate ay unti-unting tataas ng 1 metro kada oras hanggang 1:00 ng hapon at patuloy na itataas ng 1 metro tuwing 30 minuto hanggang 3:00 ng hapon.

Sa kabuuan, ang pinagsama-samang pagbubukas ng 5 spillway gates ng dam ay aabot sa 9 na metro at may total approximate discharge na 1,738 cubic meters per second (cms).

Samantala, nananawagan si Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que sa mga residenteng nakatira sa mababang lugar na lumikas na dahil sa mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa Cagayan River kung saan umaabot na ngayon sa 9.4 metro ang taas ng tubig sa Buntun Bridge. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *