Magnitude 5.2 na lindol tumama sa Batanes
Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Batanes.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 8 kilometers Northeast ng Basco, 11:35 ng umaga ng Lunes, Nov. 18.
May lalim na 10 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Ayon sa PAGASA, posibleng magdulot ng aftershocks ang nasabing pagyanig. (DDC)