Bagyong Pepito humina pa; Signal No. 1 nakataas pa rin sa 5 lugar sa bansa
Humina pa ang bagyong Pepito bilang severe tropical storm.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 270 kilometers Westr ng Batac, Ilocos Norte.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 135 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West northwest.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– western portion of Pangasinan (Burgos, Dasol, Sual, Mabini, Binmaley, San Fabian, Dagupan City, Lingayen, Labrador, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Infanta, Bugallon, Mangaldan)
– western portion of Abra (Danglas, Bangued, Langiden, La Paz, Pidigan, San Quintin, San Isidro, Pilar, PeƱarrubia, Villaviciosa, Lagayan)
Ayon sa PAGASA, wala na ring banta ng storm surge dahil sa bagyong Pepito.
Nakatakdang lumabas ng bansa ang bagyo ngayong araw.
Patuloy ding hihina ang bagyo at posibleng maging Low Pressure Area na lamang sa Miyerkules (Nov. 20). (DDC)