71-anyos na Pinoy nasawi sa aksidente sa Milan, Italy
Isang 71-anyos na Pinoy ang nasawi matapos na maaksidente ang minamanehong sasakyan sa Milan, Italy.
Sa pahayag ng Philippine Consulate General sa Milan, nangyari ang aksidente sa harapan lamang ng konsulada.
Bumangga ang kotseng minamaneho ng Pinoy sa isang poste.
Dinala pa sa ospital ang Pinoy pero pumanaw din kalaunan ayon sa konsulada.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Consulate General Office sa mga naulila ng Pinoy. (DDC)