Pahinga muna sa bagyo; walang bagyong mabubuo o papasok sa bansa sa susunod na mga araw ayon sa PAGASA
Matapos ang magkakasunod na bagyong tumama sa bansa, walang nakikita ang PAGASA na magiging potensyal na bagyo na mabubuo o papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA sa susunod na 5 hanggang 7 araw ay walang bagyo na na papasok o mabubuo sa loob ng bansa.
Dahil dito aasahan ang mainit at maalinsangang panahon sa halos buong bansa dulot ng easterlies.
Magkakaroon lamang ng mga pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Sa mga susunod na araw ay inaasahan naman ang pag-iral na ng Northeast Windflow sa bansa at posible na ring magsimula ang Amihan season. (DDC)