‘Peace distractions’ sa BARMM hindi papatulan ni FL Liza Marcos

‘Peace distractions’ sa BARMM hindi papatulan ni FL Liza Marcos

Kumpiyansa si dating Maguindanao governor Esmael “Toto” Mangudadatu na hindi paniniwalaan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga tangkang ‘peace distractions’ sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa kaniyang video message, hinikayat ni Mangudadatu ang kaniyang mga kaanak na itigil na ang paggamit sa pangalan ng Unang Ginang.

“Hintuan na niya ang panggagamit kay Unang Ginang. Alam ko naman ang Unang Ginang ay mas mataas ang pinag-aralan sa amin. Huwag ho magpadala. Alam ko naman hindi siya nagpapadala eh,” ayon kay Mangudadatu.

Tinutukoy ni Mangudadatu ang tangkang panggugulo ng kaniyang kaanak makaraang mabigo sa naising maitalaga sya bilang chief minister ng rehiyon.

Tinukoy ni Mangudadatu si Suharto “Teng” Mangudadatu dating chief ng Tesda at si Mariam Mangudadatu na givernador ng Maguindanao del Sur na kabilang sa gumagamit sa pangalan ng Unang Ginang.

“Si First Lady, tulad ng sinabi ko, professor yan eh, abogada yan eh, lawyer yan eh. Hindi siya magpadikta dun sa isang tao na alam naman niya puro dakdak lang. Puro Pangalan lang ang gagamitin. Puro sa power lang nila. Eh kasi sa totoo lang, maniwala kayo sa akin. Ganun talaga ang ugali nila Teng. Mag name-dropping,” ayon kay Toto Mangudadatu.

Una nang sinabi ni Mangudadatu na hindi dapat paniwalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang mga pahayag nina Teng at Mariam.

“Nirerespeto nila si Presidente Marcos na ipatupad lahat ang mga programa at proyekto,” he previously said, noting that there are number of projects being implemented in BARMM. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *