Pang. Marcos pinangunahan ang inagurasyon sa Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project

Pang. Marcos pinangunahan ang inagurasyon sa Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project

Bukas na sa publiko ang limang bagong istasyon ng Light Rail Transit 1-Cavite extension simula bukas, Nobyembre 16 ng 5:00 ng umaga.

Ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inagurasyon ng LRT-1 Cavite Extension (L1CE) Phase 1 Project sa Parañaque City

Ang limang istasyon ay ang Redemptorist-Aseana Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino Avenue Station, at Dr. Santos Station.

“Kaya hinihikayat ko lahat ng ating mga commuter, subukan ninyo at makikita ninyo napakaginhawa kumpara sa traffic na nararanasan natin araw-araw” pahayag ni Pangulong Marcos.

Aminado si Pangulong Marcos na walang alok na libreng sakay sa unang operasyon ng LRT-1 extension.

“Hindi operated kasi ng government ito, eh. Kaya kailangan pang bayaran ang utang,” pahayag ni Pangulong Marcos..

“Actually hindi namin iniisip yung Pasko, nagkataon lang. But lahat nga itong mga rail projects… sinasabi ko gawin natin ang lahat para madagdagan nang madagdagan dahil napakalaking bagay, napakalaking mabibigay na ginhawa at mas mabilis, makakapag-save ng time at simple lamang ang pagsakay ng tren,” tugon ni Pangulong Msrcos sa taong kung pamasko ito sa mga pasahero.

“Nasanay na rin naman ang mga commuter natin kaya subukan niyo lang itong bagong train line,” pahayag ni Pangulong Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *